Quantcast
Channel: No Identity
Viewing all articles
Browse latest Browse all 93

Pagod ka na ba?

$
0
0





"Hindi lang naman ikaw ang napapagod sa mundo." Ganito 'yung madalas na sagot sa atin kapag sinasabi nating pagod na tayo. Tama naman sila, lahat ng gumagalaw ay napapagod. Kahit nga 'yung yung mga tambay sa kanto, kahit na walang ginagawa eh napapagod. Tanungin mo 'yung mga tsismosa mong kapit-bahay kung napapagod sila, malamang 'eh pagod na rin yung mga yun. In short, they're right. Hindi lang ikaw ang napapagod sa mundo. 'Eh ano ngayon kung lahat naman napapagod? Kailangan ba nating ikumpara ang pagod mo sa nararamdaman ko?

Ikaw, pagod ka na no? Wala ka naman dito kung hindi. Sabi nga nila, kapag napapagod ka na, walang masama na magpahinga ka. Hindi masama na tumigil ka, huminto ka muna, magpahinga at bawiin mo yung energy mo para bukas may lakas ka na ulit. Ang tanong lang 'eh, "Gaano katagal ang kailangan mong pahinga para maging okay ka na ulit?" Isang araw? Isang bwan? Isang taon? It took me few years bago ako ulit nagkaroon ng lakas para maglakad ulit sa buhay. 'Wag kang mapressure kung matagal ka maka-recover. Ang mahalaga naman ay babangon ka ulit. Lalaban ka ulit. Sa ngayon, magpapahinga ka lang.

Ito pala yung tanong na hindi dapat dinidead'ma lang. May point sa buhay natin na kahit ang haba na ng tulog natin o hindi kaya'y maghapon lang naman tayong nasa loob ng bahay pero parang ang hirap gumalaw. Nagpahinga naman tayo pero bakit parang nakakapagod pa din? Isang araw ay magigising na lang tayo na hindi na natin alam 'yung rason kung bakit pa natin pinapagod yung mga sarili natin. Hindi natin maalala kung naging parusa na yung dating mga bagay na gustong-gusto nating gawin. Dumadating na lang yung araw na hindi na natin alam kung anong gagawin natin. 


Ginagawa na lang natin yon kasi doon na tayo nasanay kahit alam mong...


nakakapagod na. 


Pause at tanggapin mo na pagod kana. 
Kung nakakaramdam ka ng ganito just stop for a while. Buti pa 'yung cellphone mo, kapag wala ng energy kusang namamatay. Hihintayin mo bang mangyari yung sayo? Isang araw, babangon ka na patay ka na din? Patay na 'yung pagkatao mo o yung puso mo kasi hindi mo na alam kung bakit ka bumabangon? (Parang commercial lang ng Nescafe, LOL) Ayokong diktahan ka kung ano ang dapat mong gawin. Ine-encourage pa nga kita na H'WAG MO NA MUNANG GAWIN. Siguro nasasabi ko ito kasi naniniwala ako na mas importante ka kaysa sa mga bagay na dapat mong gawin or tapusin. Mas importante na maging masaya ka at maibalik mo yung dati mong sigla sa mga bagay-bagay kaysa sa empty success na nakukuha mo dyan sa bagay na umuubos sa'yo. Yan naman ang purpose natin diba? 
    To live... 
    so live, my friend.


It took me years bago ko narealize na okay lang huminto. Okay lang magpahinga. Natatakot kasi ako na kung huminto ako, baka mapagiwanan na ako ng mga kasabay ko sa byahe. Natakot ako na kung magpapahinga ako ay magustuhan ko na 'yung pakiramdam na komportable. Pero narealize ko na noong panahon na huminto ako, doon ko mas nakita kung ano 'yung dahilan kung bakit ako napagod. Doon ko mas nakita para akong tanga na inuubos ko pala yung panahon ko sa mga bagay na akala kong 'importante' at tumatakbo pala ako sa kalye na akala kong 'way to success' - mali pala ako. Kinailangan ko lang palang huminto para ma-realize ko na mali pala ako. 



'Wag ka nang magtanong, relax.
Bakit mo pa kailangang magtanong sa sarili mo, mapapagod ka lang kakaisip. Sabi ko nga sa'yo na magpahinga ka muna. Ang kulit din kasi. Ilayo mo muna yang phone mo at umiwas ka muna sa social media. Kakatingin mo sa oras ay lalo kang hindi makatulog. Kaka-abang mo sa sale sa Shoppee or Lazada ay mas lalo kang lumulubog sa expenses. Hindi mo tuloy ma-enjoy ang sahod mo. Hindi mo tuloy ma enjoy ang kape mo sa umaga kasi late ka na naman nagising. 

Stop assessing kung ano ang cause ng pagod mo. Deep inside you, alam mo naman ang sagot. Iwasan mo muna kung ano yon. Kahit isang araw lang, let's see what will change. 


Be with yourself. 
Treat yourself a peaceful day. Deserve mo yan. 'Yung klase ng araw na ikaw naman muna ang bida. Tulungan mo yung sarili mo na ma-appreciate ulit yung sarili mo. Balikan mo kung anong klaseng tao ka ba bago ka malunod sa responsibilidad mo? Bago ka malunod sa mga kinailangan mong gawin para matupad mo ang mga pangarap mo? 


I remember one guy. Ang sabi niya sa akin, pangarap niyang mabigyan ng magandang buhay 'yung pamilya niya. 'Yun lang ang tanging pangarap niya sa buhay - 'yung makita na masaya at nakatapos sa pag aaral ang kanyang mga anak. Kaya't bitbit ang pangarap na yon, he worked hard. Milyunaryo na siya bago pa makatungtong ang mga anak niya sa elementary. Palagi niyang sinasabi na pagod na siya pero hindi siya pwedeng huminto dahil 24/7 ang negosyo niya. Unfortunately, umabot sa point na tulyan na niyang nakalimutan yung reason kung bakit niya gustong yumaman. Dahil pagod siya at gusto niyang maramdaman ang katas ng mga pinaghirapan niya, he spent all his money sa mga bagay na akala niyang makakapag-bigay sa kanya ng saya - babae, luho at bisyo. 

Sadly, iniwan niya ang pamilya niya at sumama sa iba. Bumuo siya ng sariling pamilya na para bang nakalimutan na niya yung dahilan kung bakit siya nagsimulang lumaban noon. His family struggled in life. Nasaan na napunta yung dating pangarap niya? Nakalimutan niya na din ba? Diba't ang sabi niya, ginagawa niya ang lahat para sa pamilya niya? Ano na ang nangyari sa mga pangarap na 'yon? 
That's the story of my father. 


Nakita niyo ba? 


Madalas kapag napapagod tayo, naghahanap tayo ng kaligayahan sa mga maling bagay. Inaaksaya natin yung oras, pera at buhay natin sa mga bagay na hindi naman pala importante. Nakakalimutan natin 'yung mga bagay na noon ay pinapahalagahan natin. 'Yung mga taong naging inspirasyon natin kung bakit tayo lumalaban araw-araw ay binabale-wala na pala natin. 



Tumigil ka muna, please. Don't push yourself too much. 



Ayokong umabot sa point na kakailanganin mong kumuha ng kaligayahan mula sa mga hindi importanteng bagay dahil lang napapagod kana. Ayokong matulad ka sa lalaki sa istorya ko na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maalala kung ano yung tunay na bubuo sa buhay niya. Or siguro ay naaalala niya paminsan-minsan, pero hindi na niya kayang ayusin yung pagkakamali niya. Hindi na niya kayang himinto sa kung ano ang ginagawa niya kahit na alam kong pagod na siya at hindi siya masaya. 



I want you to live the kind of life you want. Hindi dahil ginagawa mo lang yon dahil 'yon ang kailangan or 'yun ang consequences ng mga maling desisyon mo sa buhay. 


Oh, pagod kana ba?


Magpahinga ka muna. 
Mas maraming taong nagkakamali kapag pagod na. 

Ikaw rin. 














Viewing all articles
Browse latest Browse all 93

Trending Articles